Monday, April 25, 2005

Panimula sa tag-init

...Ikinakanlong ng butihing pugad
ang ligalig ng kalooban
ng mismong pagod at hapong
katawan
at ang naghahapis na

kaluluwa...

Lipas na ang mga animo'y nagmamadaling
mga araw na naghatid sa atin
sa alapaap ng pagkakaibigan,
sa roller coaster ride ng
pagsasamahan
At ang hindi malalampasan na
moments of truth at
moments of shock
na nasaksihan ng numerong
212.

Ngunit kahit tayo'y nasa tabi
ng bangin ng kapalaran
at walang kasiguraduhan kung
paano at sino ang makatatawid
patungo sa kabilang dako...
Umaangat pa rin naman ang
maanghang na chewing gum
sa pait ng yosi

Sa pagtaksil ng panahon
at pagsunog ng haring araw
sana'y di madali ng
matapang na ningas ng
pugon ng pagkalimot
ang maselang papel ng
alaalang

magpaptunay na minsan sa
isang silid,
may tatlumpu't apat...
hawak-kamay na bigtas
ang matarik na mundo ng
ikalawang taon.